helo Clone.
sa pag-convert ng mkv to avi, eto mga steps na kailangan mo muna alamin.
1. saan mo gagamitin yung avi?
- kung iko-convert mo sa para ma-play mo sa mga stand alone dvd players or sa mga mp4 players na gadet, medyo ma-trabaho.
- kung ipe-play mo sa xbox, walang problema. kahit hindi ka na mag-convert. update mo na lang codecs ng xbox mo.
- kung ipe-play mo sa pc, kahit anong converter, pwede na.
anyways, ang bawat isang file ay may 2 or 3 components: audio, video and subtitle.
kung may mkv file ka, ang gagawin ng converter ay i-convert ang bawat compoent na iyon para maging compatible sa avi file type.
walang problema pag-convert ng video. kadalasan kasi, video components ay xvid or divx ang gamit, w/c is compatible na sa avi. kaya madali na yun.
audio component: if naka ogg yung audio sa mkv file mo, medyo matagal mag-convert, kasi hindi pwede ang ogg type sa avi. gagawin munang mp3 ng converter.
yung sa subtitle, eto ang pinaka madugo.
1. ang subtitle component ng avi ay either, separate file, or kasama ng file. either way, halos lahat ng stand alone players ay hindi nagsu-support ng swhitchable subtitle ng avi.
kaya kung sa stand alone player mo ipe-play, ang solution lang is yung subtitle ay gawing part na ng picture. may mga program na gumagawa nun. pero sooooobrang tagal nun.
kaya, para maka-suggest ng software na gagamitin, kailangan mo muna sabihin kung saan mo ipe-play. kung kahit saan, at basta ma-convert lang, madami dyan. kung sa stand alone player, medyo matagal, pero meron din software/paraan.